ang hand towel

2 06 2008

dahil feeling ko close-closean na tayo, magkikwento ako ng something medyo kadiri. kung sosyal ka, eeew. wala ng hiya hiya ‘to.

bata pa lang ako, sipunin na ko. at hindi yung pagkainom ng decolgen e wala na type of sipunin. ako yung tipong ilang buwan ang tinatagal bago gumaling. akshali, identity ko na yan kahit nung hayskul pa lang. ako yung maganda pero sipunin sa class. chos. maganda lang talaga ang identity ko. best companion ko na ang hand towel, hindi ko alam baket hindi uso ang tissue sa ‘kin nun. meron akong paboritong teknik para di naman gaanong wa poise sa klase. kapag biglang umiingay o sabay-sabay tumatawa ang mga kaklase, dun ko sinasabayan ng singa. para walang makarinig da ba? i’m so smart! syeeet! kaya lang isang araw, humirit yung seatmate ko na tawagin na lang natin sa pangalang troy dahil sikat si troy montero nung hayskul days at feeling nya magkamukha sila. sabi nya, o tahimik klase ngayon, di ka makasinga no? wapak! nagulat akong may nakadiskubre ng deep dark sikret ko. antagal na pala nya ko pinagtatawanan ng palihim tuwing gagawin ko yun. sus, kakahiya naman.

nung christmas party nung 4th year ako, nagulat ako ng magkasamang humarap sa ‘kin yung dalawa sa limampung nanliligaw sa ‘ken. ahehehe. sige na nga, 49 lang sila. mabalik sa dalawang boylet, nagulat ako ng inabot nila ang regalo nila sa ‘kin. ‘joint’ na daw sila sa regalong yun. in short, isa lang ang regalo nilang dalawa sa ‘ken. acheche. wala man lang sense of competitiveness. ampanget. may speech pa silang “alam naming kelangang kelangan mo yan” with matching ngisi factor. e di eksayted naman ako buksan pag-uwi ko. ano kaya yun? 5110? hindi ko alam kung magpapasalamat o mapipikon ako sa nakita ko pagbukas ko ng regalo. dalawang hand towel. mickey mouse ang design. ampfffft.

ayan, may sipon na naman ako. may magreregalo kaya uli ng hand towel? :)

malamang after ng post na ‘to, wala na. shet.





songs and nostalgia

27 05 2008

i was looking at my cd collection and i realized that i haven’t played most of them in a long time. i took out a blue cd and put it on my cd player. i didn’t even know what cd it was until i heard the first song. ocean avenue by yellowcard. i immediately recognized it. first job - around september 2005. an officemate burned that cd for me. i listened to the other songs. sugar we’re goin’ down by fall out boy, slide by goo goo dolls, bakit by mayonnaise, jeepney by spongecola…etc. i suddenly remembered that time - when i thought yael yuzon was hot (hindi na ngayon, kei?) and my job really really sucked.

yes, i’m that person. i tend to remember a certain period in my life when i hear a certain song. eto pa yung iba.

beatles songs - childhood days…bonding with lolo, waking up to a hard day’s night and a long and winding road..

prinsesa, esem, alanis morisette, eraserheads - grade school days…life took a drastic turn when one day i just realized i have a brand new family to get used to and i didn’t have a clue how to deal with it.

3 a.m., semi-charmed life, so little time - when everyone in high school was going gaga over boybands and i felt like a complete weirdo for loving these songs/bands

all i have to give, drive myself crazy, invisible man, mmbop, baby one more time - because i was high school girl after all and i had crushes and so called heartbreaks, and because nothing felt better than dancing to these songs with my bestfriend…

the way i am - because i was a rebel and had lots of issues with my family…it felt good to be angry and listening to eminem made me feel like someone understood me (i know, it was a dark period ^_^ ) 

torete, damn, here in my heart, human, i need you, hanging by a moment - summer before my freshman year in college. just moved to the city feeling alone and scared. yesterday i was a probinsyana, the family’s princess living a sheltered life and all of a sudden i had to get used to this new world.

real, stranded, temporary madness, boy’s don’t cry, where’s the love - applying at my college org. doing strange things i haven’t done before, building friendships, pushing myself to the limits and conquering my biggest fears..

she will be loved, come on, you and i both, vindicated, breathing, white houses - when being a UP student was the best damn thing in the world…

halaga, tsinelas, daliri - UP fair nights…need i say more?

over my head, breathe, pilit, ikaw lamang, pag-agos, oo - when i was miserable where i was at and music, grey’s anatomy, and prison break were my escape…

sugar we’r goin down, hum hallelujah, thriller, me and you, she will be loved, won’t go home without you, sunday morning - having the time of my life while screaming with thousands of people at the araneta coliseum..

always be my baby, migraine, take a bow, white houses, cannonball - the epic summer of ‘08. when it felt like i was a grown up for the first time…when being complicated wasn’t a bad thing after all…when living in the moment was the best feeling in the world. but then 3 of these songs pretty much depicted how it ended so….ayun, self-explanatory if you’re familiar with these songs. hehe. ^___^

there’s more but that would be too much information. ;) ikaw, anong mga kanta mo?  :)





things you leave behind

18 05 2008

may katext ako kagabi. gusto ko lang tapusin ang isang bagay kahit wala namang nasimulan.  pero hindi ko alam kung natuldukan na nga. sa huli kasi, ako lang ang napagod. ako lang ang nadrain.

isang lumang tao na gustong maging bago ulit. dati akala ko sya ang kelangan ko, hindi pala. kumapit lang ako sa ideyang andyan sya kasi wala namang iba. pero hindi pala ibig sabihin na pag mahal ka e mahal mo na rin. kahit gustuhin mo. kahit pilitin mo. kasi kung tutuusin, ok na sana ‘to. safe choice. hindi ka paghihintayin. hindi ka papaasahin. ito yung tipong di ka sasaktan. mamahalin ka ng todo. igagalang.

pero hindi na nya ako kilala. at ako, sapat na yung pagkakilala ko dati sa kanya. ayoko na syang makilala ulit. maraming taon na ang nakalipas. wag na tayong mabuhay sa nakaraan.  ibang tao na ako.  at sa tingin ko, wala syang karapatang sisihin ako sa kung sino ako ngayon. wala akong obligasyong magpaliwanag sa kahit kanino kung ano man ako ngayon.

sa ‘yo (kahit alam kong hindi mo naman ‘to mababasa), hindi ko pipiliting mag-move on ka na kasi sabi nga ng lola ko, karapatan mo yan. wala akong karapatang utusan ka sa dapat maramdaman. at siguro insensitive ako kasi hindi ko pa alam ang pakiramdam na umasa sa wala. baka ngayon pa lang. wala ako sa posisyon para magsalita. ang akin lang, gusto kong maging masaya ka. nagbago na nga ako pero hindi ako masamang tao. wala na lang talaga akong nararamdaman.  :(

Read the rest of this entry »





balikbayan

19 04 2008

like i said, i had a super sweet vacation (kelangan may super talaga) the past couple of weeks.biglaan ang desisyon ko umuwi.nanaginip lang ako tapos kinabukasan, narealize kong nasusuffocate na ko sa apat na sulok ng apartment at kelangan ko na ng hanging probinsya.impake agad at larga na.akala ko walking distance lang ang mindoro.in fairnes, thankful ako sa spur of the moment decision na yun kasi andaming magandang nangyari sa trip.life-changing.basta masaya ako ngayon.daig ko pa ang nagcentrum, i feel complete.haha. dahil i’m sure wala naman masyadong pakialam ang ibang tao sa journey of self-discovery ko (duh, whatever), i’ll keep some cheesy details to myself. still, i’d want to share some fun things na pinagkaabalahan ko sa bayang kinalakhan. =)

very probinsya

+april 25 ang town fiesta sa ‘min.pordat, karir to the max na ang mga opisyales ng bayan para maging eventful ang month-long celebration na ito. puno na ng mga bonggang-bonggang banderitas ang mga kalsada.feel na feel ko ang ganitong atmostphere, very festive.pati mga tao, parang laging nasa mood para magcelebrate. panay na rin ang mga announcement sa local channel ng mga nalalapit na karera ng bangka, saranggola festival, ms. tourism churvaloo, at iba pa.ang highlight sa lahat e ang big-time tiangge at perya na malapit sa plaza (or parke as we call it).dinadayo pa yan ng mga taga-malalayong barrio at bundok, take note.main attraction ang tig-limang pisong fruit shake at ang walang kamatayang beto-beto o colorgame.yung mga kamag-anak ko, inaraw-araw na ata ‘to.karir kung karir.inavail ko din pala ang panunuod ng liga ng basketbol kahit yung kakilala namin sa team na sinuportahan ko e 2 minutes lang ata naipasok, butata pa. =b

++mga dating kaklase, kakilala, schoolmate, teacher, kaibigan, at not-so kaibigan. kahit super enjoy ako makita uli ang karamihan sa mga kakilala’t kaibigan, nakakatawa lang na merong mga tao na hindi na nakaget-over sa mga high school rivalries or whatever you wanna call it.nakakaawa kayo.it’s so seven years ago, get a life already.kayo kaya may kasalanan sa ‘kin.ngayon, kayo ang nasasaktan at natatakot sa multong kayo din ang gumawa (naks, pwede na bang pang-maricel soriano script?). but thank you for being such an ass by trying to piss me off (you know who you are) , it made me realize how stupid i was for actually dwelling on our drama all these years. i.am.so.over.it.

Read the rest of this entry »