the rocker finally wins
22 05 20085:30 p.m.
dahil maarte ako, tinext ko agad yung kaibigan ko kanina.
ako: oy, wag mo itext sa ‘ken kung sino nanalo sa american idol ha. gusto ko masurprise mamayang gabi pag nanuod ako. (baket, e gusto ko yung feeling na kinakabahan ako e.)
n: panalo si david! nyahahaha.
ako: gagu. malamang.
e di news black out muna. ayoko manuod ng tv o makinig sa usapan sa labas. ayos to, exciting ang panunuod mamaya. pagkalipas ng ilang minuto, may dalawang nagtext sa ken.magkasunod pa.
mj: panalo si david cook! panalo tayo!
jv: woooh! panalo si david cook!
amppffft. so much for the suspense. hahaha. ang arte ko kasi. hindi ko pa napapanuod kaya mamaya na ko magrerejoice okey?!! for the meantime, papakasaya muna kong tignan ang piktyur ng isang kahanga-hangang nilalang (salamat sa kaibigan kong nag-email sa kin). susko, nakakapanghina ang six-pack. anong kalandian ito? hahaha.
Comments : 2 Comments »
Tags : american idol, american idol finale, david cook, dream big
Categories : entertainment/fangirling
mga pumansin