full time blogger, part time lover
20 05 2008CHOS! hahahahahahaha.
wish ko lang. gusto ko lang ng title na magrarhyme. at syempre yung pinakamalandi ang pumasok sa isip ko. kumusta naman.
natutuwa lang ako na sa maigsing panahon ko dito sa wordpress ay may ilang tao na nakatukoy sa munti kong blog (bukod sa dalawang kaibigan kong suki sa comments at in fairnes ay nagbabasa ng entries ko kahit walang bayad, nyaha!) . 551 hits and counting as of this moment. alam kong tuldok lang yan kumpara sa hits ng mga idolo kong bloggers tulad ng mga naka-link sa gilid ng page ko, pero masaya na kong malaman na may nagtyatyaga sa mga kalokohan at kaartehan ko sa buhay.masayang makitang sinama ka na sa blogroll ng mga malulupet at idolong bloggers. at higit sa lahat, panalo ang makipagkulitan/palitan ng comments sa mga bagong kaibigan sa blogville.
sa ‘yo na nagbabasa nito at sa mga bagong kakulitan, ala ka siguro magawa sa buhay no? este salamat! salamat sa pagbisita. salamat din kung plano mong mag-iwan ng masasayang comments. exchange links na rin para super friends na tayo. masarap makitang tumataas ang linya sa graph ng blog stats, da ba?
spread the love!
Comments : 7 Comments »
Tags : blog, blog stats, blogville, comment, wordpress
Categories : kulit-kulitan
mga pumansin