the perfect catch

18 06 2008

i think i know one. she’s…

compassionate.generous.can light up a room with her smile.never runs out of surprises for people she loves.bursting with ideas.great cook.knows how to listen and care for someone without crossing the line.laughs like a lunatic (don’t even get me started with the way she dances!).celebrates life with so much passion.beautiful.sexy as hell…and so much more!

if i were a guy, she’s the girl i’d dream of bringing home to mom.

 ang tendencies…hmmm. hahaha. :)

i think you have everything you need except for one thing…and i wish you finally find peace in knowing that you’ve found the one worthy of all that love bursting out of you. ;)

happy happy birthday LEN! alavya girl. ^___^

 





tatay’s day

14 06 2008

bukas na ang father’s day. bukas din ihahatid ko sa airport ang tatay ko dahil pabalik na uli sya sa bansang kanyang pinagtatrabahuhan.

kaya kesa magsulat ng mahabang post, mas pipiliin kong i-spend ang natitirang oras na magbonding kami ng aking tatay.

happy father’s day sa lahat ng mga ama, lalong-lalo na sa tatay kong magaling magluto, pamatay pumunch-line, at weirdo sumayaw. aylabyu pa.  ;)

bukas na lang ako malulungkot.

kahit walang internet sa heaven, gusto ko na rin batiin ang mga una at dalawang tatay ko - si lolo at tito jun. tenkyu lord dahil hindi ko naramdaman ang pagkawala ng  taong nagkulang sa responibilidad nya bilang sobra-sobra ang binigay mo sa ‘kin, tatlong mapagmahal at makukulit na tatay.  lab nyo po talaga ako. happy father’s day na rin po. :) pakisabi na ring miss ko na silang dalawa pero hindi pa time para magbonding kame ha. :)

 





mothers

11 05 2008

last year may pera ako at gusto ko kayong itreat sa spa, ayaw nyo naman.

kaya ngayong broke ako, magtiis na lang kayo sa kiss ko. hahaha.

sa dalawa kong nanay, kung techie kayo at mababasa nyo ang blog ko, happy mother’s day! mahal ko kayo!

salamat sa lahat ng hirap at pag-alaga. hindi madaling punan ang nawalang hindi na nagparamdam pero nabuhay akong hindi sya hinahanap.  salamat at ginawa nyo ang lahat para hindi ko maalalang  may kulang sa buhay ko.

at sa lahat ng mga nanay….lalo na ang mga single moms na umaako sa responsibilidad ng mga iresponsableng lalake o biktima ng mga pagkakamaling hindi naiwasan. 

happy mother’s day! ^_^

 

###

 

i’m not the easiest person to love…yet you choose to be on the side of me. - corinne may





ulpot

8 05 2008

14 years ago, on this day…i lost him.

it was a typical sunday. my cousin and i were singing loudly to a bryan adams song. then lola went out of the room and simply told us, “he’s gone.” i never really felt anything. she told me they’re gonna get some help so i had to stay at our house. i went straight to our room, found him lying peacefully in his bed.i laid down beside him.i guess at that time, it hasn’t sinked in that he’s actually getting cold and stiff.all i know was i needed to be beside him, even for the last time.

i never really grieved.i was 9 years old.i actually felt liberated.everything went like a flash of light.maybe that’s why the pain never really goes away.it’s just stuck in one dark corner in my heart.

lolo, i love you. i’ll always miss you. thank you for making me feel loved.i don’t get that a lot you know. =)





a poor boy’s dream

29 04 2008

<<flashback. june 14, 2001. UP diliman.

unang araw ng klase. unang araw ng buhay kolehiyo.

nakatayo ako sa harap ng klasrum ng unang klase ko.room 108 sa A.S. lumapit sya sa kin at nagtanong kung ano raw block ko. sabi ko, L-7. tumango lang sya at tinignan akong parang nagtataka. sunod kaming nagkita, sa orientation ng block namin sa NCPAG. natawa ako nung nalaman ko kung bakit ganun na lang ang tingin nya sa ‘kin. block L-2 pala kame. dalawa lang naman kase ang block sa ncpag, pano magkaka L-7? kitams, unang araw pa lang may katangahan na ko. pero hindi tungkol sa kin ang entry na ‘to.

dahil maraming bonding moments ang block, hindi nagtagal at naging magkaibigan kami. so wala akong choice.=)  magkasama sa mga lakad, magkaramay sa mga study sessions, at magkagrupo sa mga papers.mas naging magkaibigan ng magkasama sa pinasukang organisasyon.naging magkasama pa sa iisang komite at hindi nagtagal, naging boss ko pa ng maging chairman sya ng memcom.

sa huling dalawang taon sa kolehiyo ko sya mas higit na nakilala.marami na rin kasing pinagdaanan.andyan ang laging pagtambay sa library at STPA tambayan, pagsolb sa mga problema ng komite, kwentuhang showbiz, yung GIS project na sa totoo lang e wala naman akong masyadong kontribusyon, taga-suporta pag kelangan ng lakas ng loob, taga-tawa sa mga katangahan at kalandian, at higit sa lahat kasama sa pagbuo ng mga pangarap.

pangarap nya para sa ‘kin noon ang makatuluyan si prince william. tama, si prince william.  wala din naman ako maisip noon na pangarap para sa sarili ko, kaya sinakyan ko na rin.maganda naman ako e, malay mo. =) di katulad ko, noon pa lang buo na ang pangarap nya. gusto nya maging abugado. gusto nyang pumasa ng LAE at sa UP pa rin ipagpatuloy ang pag-aaral. full support naman ako.  hindi rin kasi naging madali ang lahat.  dumating din ang panahong pinanghinaan sya ng loob at nagduda sa kanyang kakayahan. pero hindi ako papayag na sumuko sya ng hindi lumalaban. ang sa ‘kin kasi, sya ang katuparan ng pangarap ng mga tulad kong nagmula sa probinsya na nagkaroon ng pambihirang oportunidad na makapasa sa UP. sa kabila ng kahirapan at kakulangan sa mga materyal na bagay, talino at tapang lang ang pinanghahawakan. nagsikap. naghirap. nasubok. nagpatuloy.

i needed him to get his happy ending.

>>fast forward. june 2008.

pitong taon mula noong unang araw ng klase na magkakilala kame,muli na naman syang sasabak sa buhay estudyante. ang pinagkaiba lang, UP law student na sya sa hunyo. oo, UP Law.

to the poor boy from laboy…saludo ako sa ‘yo. hindi lang dahil kaibigan kita at mahal kita kundi dahil pinatunayan mong ang mga tulad natin at  iba pang galing sa iba’t ibang sulok ng bansa ay handa sa hamon ng pagiging iskolar ng bayan.

see, dreams do come true ..even for promdis like us.

^_^