mga bagong bagay

7 05 2008

lumawak ang mundo ko bigla. nakakapanibago. nakakatuwa. nakakatakot.

###

syet, drama queen again na naman ba ito? i’m over being emo. hahaha. please lang. happy ako ngayon ok? defensive? iba ang nag-eemote sa depress-depressan. nag-eemote lang ako pero masaya naman ako. drama queen no more.

###

saya saya naman. biglang umingay ang maliit kong apartment. andito ang buong pamilya. andaming bata. napupuno ng halakhak ang kabahayan. ayos.

salamat pala sa tatay ko sa N70. yehey, pwede ng itodo ang pagmumusic. pero syempre di ko papakawalan ang pinakamamahal kong 6288. kaya ayan, may smart at globe na ko. avail lang ng avail. nabuhay ang mga contacts ko sa probinsya. may i-pod pa kaya lang mukhang negative na manenok ko sa nanay ko. happy na ko sa fone. at sa 85% black chocolates na paborito ko.yehehey.i lab my tatay. =)





a time for everything

25 04 2008

as usual, magmamaganda muna ko.

madali lang ako magsawa. weakness ko yan. one minute, naaliw pa ko and the next, i’m over it. kaya ayoko muna ‘to karirin ng masyado.baka magkasakitan lang. nag-enjoy naman ako for a while. feeling ko ang haba ng hair ko mashado. di ko alam na may pambihira (whataword?) pala akong effect bilang tao. but no, hindi naman ganun kadali. kulang na lang sabihin kong it’s not you, it’s me. hahaha. maraming bagay.  kalurkey ito. out of nowhere may ganitong mga pangyayari sa buhay. hindi ako sanay. at hindi ako siguradong nasa parehong pahina kami (in english, in the same page ^__^).mahirap yun.magpapapilit muna ko.malay mo in time, maging sigurado ako. for now, parang hindi pa. =(

###

tuloy na tuloy na ang baler! yehehey! di ako masyadong atat? sarp na sarp na ko. soon to be new friends, good vibes, at alon! dis is it. tayo ng magbilad sa araw. gray kung gray ang labanan. c’mon.

###

we can’t always have what we want.sometimes, things are not supposed to be worth it. sometimes, we’re not supposed to be vindicated. but that doesn’t mean i’m gonna be miserable about it.maybe this isn’t the right time.maybe i’m being saved from something i’m not supposed to have.smile lang ng smile.may bukas pa.