23 and 2 days old

20 07 2008

more birthday thoughts. ewan ko kung bakit bibong-bibo ang heart ko ng araw na yun e wala naman akong ginawang special. walang party, walang inuman, whatsoever. bakit sobrang naamaze ako sa fact na happy ako? kasi never pa ko naging masaya sa birthday. lagi akong depressed sa araw na yan, dun ko nararamdaman ng big time ang mga kulang sa buhay ko, etc. same with new year. ang ironic lang ng dating sa ‘kin pag binabati ako ng happy new year o happy birthday kasi ang totoo, hindi naman ako happy.

pero this time, seryosong masaya ako. sabi ko nga, wala namang espesyal. greeting ng mga kaibigan at kamag-anak, konting kainan sa office (courtesy of my bosses kaya wala akong ginastos, yey!), dined out with a friend, some alone time, and then the day’s over. peaceful siguro yung tamang term. yung pakiramdam na kahit may mga kulang pa, marami ka pang bagay na hinahanap o gustong makuha, o may mga konting problema, nahanap ko na yung tamang balanse. siguro nga nasa maayos na disposisyon na ang aking magulong utak. kahit may mga post dito na nagpapaka-emo ako,  generally, masaya na ko. gone are the super dramatic emo days kahit wala namang valid at seryosong dahilan. parang distant memory na lang sya. hindi lang talaga maiwasang maupset paminsan-minsan kasi hindi naman perpekto ang mundo, we all have our own crosses to bear, responsibilities to fulfill, people to deal with, goals to strive for. most of the time, i feel that i don’t know what i’m doing and yet i seem to somehow find my way out through all the confusion. dahil lab ako ni papa jesus kahit lukaret ako. at yung mga kulang at mga pain na nagpapalungkot sa ‘kin before, pinapag-aralan ko syang ichannel into something positive. sheeeet, ang seryoso. hindi na naman bagay sa ‘kin. gusto ko lang maalala na at 23, unti-unti ko ng nahahanap yung peace na kailangan ko.

before i turn 24, gusto ko sana makapagtravel na abroad (kahit vacations lang sa asia), makapagsagada o kaya yung ibang dream destinations ko sa ‘pinas, matagpuan yung fulfillment na hinahanap ko sa career, at syempre lumablayp ng seryosohan (pwede ring laru-laro lang pero syempre mas masaya yung seryosong nagmamahalan kayo and all that cheesiness di ba?). may isang taon pa ko. tira-tira! :)

###

bilang birthday gift pala sa sarili, nagparebond ako kahapon. wehehe. sa isang araw ko na ipopost ang aking new (and shorter) do.  kumustang mga 5-6 hours ‘ata ako sa salon kahapon. naaliw lang ako kasi korean salon yung pinuntahan ko, toney and jackey sa may tomas morato. sosyal ang place,  maluwag at hindi cluttered.  nakakapanibago, ang tahimik. parang may multa pag nagsalita. namiss ko tuloy yung mga bading dun sa salon sa ‘min, bago ako matapos e nalaman ko na ang buhay nila, mga naging boypren, sinong may utang sa kanila, etc. korean yung mga stylists pero pinoy naman yung mga staff. dahil koreana yung stylist ko (btw, mabait at sobrang sipag nya), napalaban ako ng englishan. ang weird lang, marunong naman akong mag-english pero bakit nung nag-usap kami, parang ako yung naging barok. wala ata akong nasabing buong sentence kundi yes yes, no no, ok ok. nyahaha.  :)





happy birthday

18 07 2008

HAPPY indeed! and i really mean it. i’ve never been this happy on a birthday….ever! well, at least in my teen/adult life.

 to everyone who texted/called/posted a friendster message, salamat! i feel so loved. i’m all giddy and perky today because of you. at marami pang ibang dahilan. mey ganun?  i love love love this day. parang lahat ay umayos ng araw na ‘to. nawala ang bagyo at naging bright and sunny, naaspalto yung kalsada sa may sa ’min na araw-araw kong prinuproblema sa sobrang putik, walang pila sa atm ng bdo… simple mga bagay na nagpangiti sa ‘ken. tenkyu lord, lab nyo po ako talaga. :)

Read the rest of this entry »





weirdest, most vivid dream ever

16 07 2008

…or should i say, a clear scenario of what could happen to me in a few years if i make one BIG stupid mistake. it’s just too disturbing because it’s one of the major worst things i swore i never want to go through. i don’t know if it’s a warning or a sign (god i hope not). it seemed so real. it felt real. it’s not like the usual dream where i can’t sometimes identify faces or i can’t make sense of the situation. this was different. the scenario was too messed up i’m still really bothered. i know it’s just a dream, i know…i hope…

on a different note, it’s raining like crazy a couple of days before my birthday. story of my life. rain. storm. gloomy skies. shit, ang emo. hahaha. :)





the wish list

13 07 2008

yep yep, malapit na malapit na ang bertdey ko. camownst! kabirthday ko si nelson mandela at vin diesel (wow, magkalevel). eto rin ang napredict na doomsday daw sa ‘pinas. pffft, ang pangit di ba. pero pinabulaanan na yan ng mga kumpare ko sa phivolcs, dahil birthday ko daw…hindi pwedeng lumindol. kaya wag matakot at lalong wag magpanic buying, sit back and relax mga kapatid, hindi tayo papabayaan ni papa jesus.

dahil bertdey ko naman, eto na ang aking bonggang-bonggang wish list. for the first time, achievable ang mga nasa listahan ko ngayon. narealize ko lng kasi na sarili ko lang ang niloloko ko pag winish kong makasama ng isang gabi si wentworth miller manalo ng lotto kung di naman ako bumibili ng tiket di ba? kung sakaling maramdaman ng busilak nyong puso na iregalo sa ‘kin ang kahit alin sa mga ‘to….grabe, papacanton ako talaga. pramis. o sya, bago pa mapunta ‘to sa kung saan…dis is it na.

a. MATERYAL

1. isang pares ng chucks/pwede rin maraming pares

2. UP centennial jacket/o kahit anong UP jacket

3. i pod/pwede ring yung tig 2k na mp4 na mukhang i pod

4. head to toe blair waldorf outfit (di ko alam kung san ko sya susuotin pero walang pakialamanan)

5. complete dvd set ng the office

6. cute na dress/dresses

7. christian loboutin shoes (achievable daw ‘o)

8. hoodie jacket (jacket na may hood? basta yun)

9. pang-make up (bawal ever bilena)

10. SLR (jane, igift wrap mo na yang kamera mo,wahahaha)

b. DI-MATERYAL

1. lalaki/boylet/kachever/lablayp - yung masaya kasama at masarap kausap, walang girlfriend o ibang kalandian, may matinong trabaho naman para mag pang-date kame, kawavelength ng utak ko, yung hindi takot sa ‘kin at kaya akong alagaan o kaya awayin pag nag-iinarte ako sa buhay,  may element of suprise at kilig factor sa katawan, yung may itsura - read:hindi pangit pero hindi rin naman sobrang gwapo o tisoy (kasi baka magmukha akong alalay nya), bonus points na rin kung delicious maganda ang katawan, at sana at least 5′8″. :)

2. matuloy ang first out of the country travel na pinaplano namin. (di na daw sya tuloy.how sad. :( )

3. more travel sa ‘pinas. marami pa kong gustong puntahan.

4. happiness, peace of mind, good health sa ‘kin, sa mga mahal ko sa buhay, at sige na nga sa buong mundo na rin

5. isang buong araw ng pampering at pagrerelaks

6. maglose ng 5 lbs at ang walang kamatayang beach body

7. sweet sweet surprises

8. luke landrigan in the flesh, preferably shirtless ;)

pero hindi naman talaga ako mapili. kahit 30pesos na load lang, masaya na ko. o di ba, nag-assume na naman akong may gustong magregalo sa ‘kin. naaanticipate ko lang na medyo masakit sa bulsa ang mga plano ko para sa birthday na ‘to kaya ijajustify ko na lang na lahat ng mga nagastos/gagastusin ko hanggang august ay part pa rin ng celebration ko - parang Showbiz Central month long anniversary. mas masayang mag-ipon ng memories at experiences at adventures at photos at regalo. alaveet alaveet! :)





7 years later

6 07 2008

one of my three needs? check!

sa gitna ng malakas na tawanan, maingay na kantahan, bigayan ng regalo, tequila sunrise, screwdriver at margarita….may bigla lang akong naisip. ang laki na ng pinagbago namin. hindi ko na maalala yung dating kami - sa itsura, sa ingay, sa personalidad, sa desisyon sa buhay. sa tingin ko naman, walang masama dun. tumatanda, lumalawak ang mundo…ang mahalaga, hindi nawawala ang samahan.

so it’s just like old times…except that it’s not. maybe it’s even more fun than what we used to have. but, it still feels like home. i’m growing up.we’re growing up…and i’m loving it.

Change; we don’t like it, we fear it, but we can’t stop it from coming. We either adapt to change or we get left behind. And it hurts to grow, anybody who tells you it doesn’t is lying. But heres the truth: the more things change, the more they stay the same. And sometimes, oh, sometimes change is good. Oh, sometimes, change is … everything.




in memoriam

30 06 2008

dahil wala ng nagpapakarga at humahalik sa pisngi ko pagkagaling ko ng opisina, wala ng humihiga sa tyan ko para gisingin ako sa umaga pag tumunog na ang alarm ko, wala na kong pinapasalubungan ng cheesy ensaymada ng shopwise, nagpapaalis sa ‘kin sa upuang kulay dilaw kasi teritoryo nya yun, at dahil wala na kong kalarong masungit at makulit at malambing….

miss pa rin kita… :(

                                                            bapbap babon

                                                  july __, 2005 - june 30, 2007





get wasted

13 06 2008

gusto ko magpakalasing ngayong gabi. yung lasing na gumagapang na ko sa sahig o buhangin o damuhan kung nasan man ako at sumusuka ako sa lababo o sa sahig o sa lupa o kung nasan man ako (lasing ako kaya kunyari di ko maalala okey?). yung bawat sentence na lumalabas sa bibig ko ay may kasamang putangina bilang isang indikasyong lasing na ako ay ang hobby kong magmura kahit hindi naman applicable sa sitwasyon. at yung nagsisimula ng mangati ang balat ko at namumula na ang tyan ko dahil ang totoo nyan e allergic ako sa alcohol. yung paggising ko ng umaga ay pagsisisihan ko yung mga pinagsasabi o pinaggagawa ko ngayong gabi at mapapamura na naman ako sa katangahan ko. self-destruct mode ito. i hayrett.

Read the rest of this entry »





mga bagong bagay pt. 2

5 06 2008

end of hibernation mode.

my tambay days are over. sa pagpasok ng tag-ulan at pagdagsa ng mga estudyante next week, balik na ulit ako sa buhay-slave. in short, werk mode na ulit. o di ba, parang estudyante lang ako na nag-summer break. naubos ko na lahat ng dvd na papanuorin, namemorize ang sked ng mga cable shows, naglakwatsa at gumimik, nagpakabuhay-single :), naadik sa blogging world, pumerstaym sa maraming bagay (???), nag-ubos ng perang hindi naman akin…WOAH! napakasaya ng bum life ko! tenkyu lord sa lahat ng ‘to! nagsimula sa mahirap na desisyong magresign and the rest is history. nung andun pa ko sa dating work e pangarap ko talagang magkaron ng ultimate break at summer adventure whatever at yun ang binigay sa ‘kin. lab nyo po talaga ako! yeee. ;)

 wala akong pinagsisihan at marami akong natutunan. yung ibang bagay, kinwento ko dito sa blog at yung ibang self-discovery/happiness whatever details, i’d like to keep for myself. ang mahalaga, nagamit ko yung free time para maging masaya at makasama ang pamilya at mga kaibigan ko bilang sobrang lab ko sila. narealize ko lang na wala na talagang hihigit sa quality time, yung mga little moments na tawa lang kayo ng tawa is priceless.  speaking of pamilya, gusto ko lang magpasalamat dahil sobrang bait nila (as if naman techie sila para mabasa blog ko). di nila pinaramdam sa ‘kin na kelangan kong mapressure; enjoy pa sila kasi may time kame para bumonding. alam din naman nila na pag may work e nagpapakaresponsable naman ako.

henniway,  scary din pala ang bagong mundo dahil out of my comfort zone uli ako. ang pinakamatindi, kelangan paganahin ang utak. big time. alam nyo namang effort sa ‘kin yun. :) tsaka, back to paggising ng maaga, pagporma at pagmake-up,  at pakikipagsapalaran sa kalsada.  balik na naman ako sa pagiging “yung bago”. mahirap din maging “new girl” bilang kelangan ulet mag-adjust at makibagay at makiramdam and all. pero dahil maganda ako, kaya ko yun. hehehe. parte ito ng bagong mundo at ready na ako. avail lang ng avail. y not?

mababawasan na rin pala ang blogging period ko. huwaat!?! hindi na ko full time blogger, part-time lover. wehehehe. hindi na ko everyday makakapag-update at makakatambay sa bahay ng mga kaibigan at idolong bloggers. henniway, susulpot pa naman ako paminsan-minsan at magpaparamdam. sana makadaan at makapag-comment pa rin kayo mga kapatid. ;)

may 4 days pa naman para i-savor ang last tambay days ko. pakabangenge kaya ulet ako? isang boteng mudslide lang katapat nito. isang malaking camownst! sus, kaya ko napapahamak e. :)

 it was the end of summer…it was the end of a lot of things. - someone like you (holliesquotes.com)





ang FX na mailap

4 06 2008

another text-textan episode.

kagabi. around 11: 30 p.m.

b: isang taon na pala kong single. ang bilis ng panahon.

ako: (taena!) magti-23 years na kong single. antagal ng panahon.

kakaloko e no? unang-una, 11:30 ng gabi at nag-eemote ng ganun. at paksyet lang, of all people e ako ang naisipan mong pag-emotean ng ganyan. tama ba yan? talk about rubbing it in. hahahaha. gagu! aylabyu b! :)

###

kapagod ever ang araw na ito bilang namili kame sa quiapo at circle c sa congressional (how sosyal da ba?). wala naman masyadong kakaibang nangyari maliban sa naubos ang pasensya ko sa pagcommute. sanay naman akong magcommute dahil ilang taon na rin ako dito sa syudad. pero parang nananadya lang ang tadhana kanina. ganito. naghihintay kame ng FX.  mga kinse minutos na ang nakalipas at wala pa rin. o sya, bago tayo manggitata ng todo sa pawis, jeep na nga lang. nung nakapagdesisyon ng magjeep, wala namang jeep. maya-maya, dumating na si jeep. para naman ako. dahil swerte ako, ang natyempuhan naming jeep e yung ayaw tumabi at habang sumasakay ka e umaandar na sya kesehodang nasa labas pa ng pinto ang pwet mo. pffft. pauwi, hintay uli ng FX. wala na naman. bibyahe si kaye ngayon, wag tayong mamasada. yan ata ang napgtripan ng lahat ng proj.8 FX.  sa inis ko, sabi ko kahit anong dumaang FX sasakyan ko. basta. e galit na ko e. may dumaang SM fairview, sakay kame. e ano kung hindi ako papuntang fairview? di lang ako makakapayag na mapapagkaitan ako ng karapatan kong sumakay ng FX. haha. sutil ako e. syempre, hindi naman ako pupuntang fairview kaya nagpababa na lang ako sa pantranco.naisip ko magcab na lang mula pantranco bilang wala namang direchong sasakyan papunta sa circle c sa congressional. baba ng pantranco. hintay ng taxi. litson na ang balat ko sa init at wala pa ring taxi. nagmumura na ko ng lagay ko na ‘to. ganito. &%#&^@#&)*#)(@*#!$! (mga kapatid, icrack na uli ang code). eto yung mga tipo ng panahon na parang kasumpa-sumpang maging mahirap at walang sariling sasakyan! o di ba, may emote factor sa ilalim ng araw. san pa ba ang bagsak ko kundi sa jeep uli. tapos nagtaxi pa uli. hayyyys. after ten years, nakarating din ng congressional at kinain ko na lang ng todo sa chowking lahat ng galit ko. pagkain lang talaga katapat ko. :) parang ang sarap lang magpa-full body scrub, facial, hand paraffin, foot spa, etc. pagkatapos nito dahil ang dugyot ng itsura ko at ang lagkit ng pakiramdam ko. hay, buti na lang maganda ako. :)

iniisip mo siguro, baket ba kasi nagpipilit mag FX? kasi naawa naman ako sa aking lola dear bilang hikain sya at nahihirapan sya pag nagjijeep. weee. sosyal si lola. :)





eyebags

1 06 2008

social life galore uli ito.

eyebags kung eyebags nga.

baket mukha akong shy and reserved sa pic na ‘to? :)

Read the rest of this entry »





‘kakatuwa naman

29 05 2008

napangiti naman ako ng makita kong pinost sa kanilang blog ang huling artikulong sinulat ko para sa organisasyon. salamat po! akalain mong kaya ko palang magpakaseryoso minsan. :)

nahiya naman ako bigla kasi i was never confident with my seryosong writing skills dahil mas kampante ako sa mga kalolokohan type of writing (???). haha. obvious ba sa mga post ko? yun ang dahilan kung bakit sa ilang artikulong naisulat ko na napublish sa dyaryo (hindi tiktik ha, at oo, nagyayabang ako ng lagay na ‘to), hindi ko nilagay ang pangalan ko. yun lang. it’s always a good thing to see your work get published lalo na kung hindi ka naman talaga writer. =)

eksayted na pala ko sa sex and the city mamaya! :) :) :)





whattaweekend

27 05 2008

dahil may social life ako nung weekend pero hindi ko blinog ng maayos bilang masyadong magulo ang mga pangyayari. dalawang gabi akong umuwi ng madaling araw (huh, labo) at putek, ang init ng ulo ko the next day. baket, e puyat ako. at sinisipon. so magkikwento ako ng konti. eto na ang detailed but censored version.  :)

Read the rest of this entry »





songs and nostalgia

27 05 2008

i was looking at my cd collection and i realized that i haven’t played most of them in a long time. i took out a blue cd and put it on my cd player. i didn’t even know what cd it was until i heard the first song. ocean avenue by yellowcard. i immediately recognized it. first job - around september 2005. an officemate burned that cd for me. i listened to the other songs. sugar we’re goin’ down by fall out boy, slide by goo goo dolls, bakit by mayonnaise, jeepney by spongecola…etc. i suddenly remembered that time - when i thought yael yuzon was hot (hindi na ngayon, kei?) and my job really really sucked.

yes, i’m that person. i tend to remember a certain period in my life when i hear a certain song. eto pa yung iba.

beatles songs - childhood days…bonding with lolo, waking up to a hard day’s night and a long and winding road..

prinsesa, esem, alanis morisette, eraserheads - grade school days…life took a drastic turn when one day i just realized i have a brand new family to get used to and i didn’t have a clue how to deal with it.

3 a.m., semi-charmed life, so little time - when everyone in high school was going gaga over boybands and i felt like a complete weirdo for loving these songs/bands

all i have to give, drive myself crazy, invisible man, mmbop, baby one more time - because i was high school girl after all and i had crushes and so called heartbreaks, and because nothing felt better than dancing to these songs with my bestfriend…

the way i am - because i was a rebel and had lots of issues with my family…it felt good to be angry and listening to eminem made me feel like someone understood me (i know, it was a dark period ^_^ ) 

torete, damn, here in my heart, human, i need you, hanging by a moment - summer before my freshman year in college. just moved to the city feeling alone and scared. yesterday i was a probinsyana, the family’s princess living a sheltered life and all of a sudden i had to get used to this new world.

real, stranded, temporary madness, boy’s don’t cry, where’s the love - applying at my college org. doing strange things i haven’t done before, building friendships, pushing myself to the limits and conquering my biggest fears..

she will be loved, come on, you and i both, vindicated, breathing, white houses - when being a UP student was the best damn thing in the world…

halaga, tsinelas, daliri - UP fair nights…need i say more?

over my head, breathe, pilit, ikaw lamang, pag-agos, oo - when i was miserable where i was at and music, grey’s anatomy, and prison break were my escape…

sugar we’r goin down, hum hallelujah, thriller, me and you, she will be loved, won’t go home without you, sunday morning - having the time of my life while screaming with thousands of people at the araneta coliseum..

always be my baby, migraine, take a bow, white houses, cannonball - the epic summer of ‘08. when it felt like i was a grown up for the first time…when being complicated wasn’t a bad thing after all…when living in the moment was the best feeling in the world. but then 3 of these songs pretty much depicted how it ended so….ayun, self-explanatory if you’re familiar with these songs. hehe. ^___^

there’s more but that would be too much information. ;) ikaw, anong mga kanta mo?  :)





proof that tony stark has a heart

20 05 2008

the cast. the funny lines. the special effects. the genius that is robert downey, jr.

IRON MAN stole my heart. :)

 robert downey, jr. is love love love.

###

 

maiba ng pulong…..

masakit pala tubuan ng wisdom tooth.

hindi nakakatuwa.

pordat, matanda na pala ko. ang korni.

 





sabado mo, sabado ko

18 05 2008

dahil nakarating sa amin ang balitang open na raw ang walter mart sa may munoz (oo malapit sa munoz bahay namin, mga 431 steps lang), sugod naman kame ng nanay at tita ko para makahingi ng freebies   makiusyoso kung maganda nga ang bagong establisimyentong ito.

in fairnes, maganda naman. malaki at maaliwalas. makintab ang tiles. amoy bago pa. syempre ang una kong hinanap ay ang mga kainan at yahooooo!, may tokyo tokyo at mongolian quick stop. solb na ko!marami pang mga nakasarang stalls.yung isang japanese store at appliance at furniture stall lang ang inavail namin. nakita ko pa yung isang ka-college ko, di naman kame close kaya di na kame nagbeso-beso.chos.

okey na sana, kaya lang afraid! medyo scary yung ibang tao. feeling namin e kelangan maging alive-alert-enthusiastic kase baka pagtingin namin, wala na pamasahe namin pauwi. gets? haha. yun lang. no offense, obserbasyon lang. hindi naman lahat. yung iba lang. at yung isang lalaki na nakatabi ko sa upuan e maduduling na yata sa kakatingin sa legs shorts ko. eto tuloy nanay ko, protective mode. “ah, kuya gusto nyo hiramin? mukhang ngayon lang kayo nakakita nyan ah.” tsk. tsk.

ayan, walang kakwenta-kwenta ang walter mart experience ko. kinwento ko lang. kasi naman, habang nagpapakasaya sa alon ng zambales ang mga kaibigan ko e ayun, andun ako sa walter mart. taena, sabado mo kumpara sa sabado ko! surfing vs waltermart. asan ang hustisya! ;) for the meantime,  nag-aabang lang ng updates sa karir ng isang tao dyan at naiinip na ko. ikaw na ang may kalandiang demigod. kung ako yun, baka manahimik din ako. yun na. ang saya-saya naman ng summer na ‘to! nyahahaha. :)





umbrella

16 05 2008

anong hindi nakakatuwa?

‘yung habang nakasakay ka ng ordinary na bus e biglang uulan ng malakas.so sasarhan ang lahat ng bintana para di pumasok ang ulan at mukha kayong nasa loob ng umaandar na oven toaster sa init. at nanlilimahid na kayo sa pawis.

anong mas hindi nakakatuwa? yung sobrang lakas ng ulan at kelangan mo ng bumaba ng bus. *eto ako, basang-basa sa ulaaaan*  at nakasapatos ka. at baha ang bababaan mo. tapos habang basang sisiw kang nakikisilong sa tapat ng arny and dadings peachy-peachy, nagtext ka sa nanay at tita mo na ipasundo ka kay manang ng payong. pagkalipas ng sampung taon, pumuti na ang buhok mo, wala ka pa ring sundo. hala, sugod na sa ulan at itapak ang sapatos sa baha.at pagpasok mo sa gate ng street nyo, andyan na si manang. may dalang payong. na kulay talong.

ampffft.

baket, e gusto ko mag-inarte ngayon e!

###

wala pa ring konek. pag andito pamilya ko, tumataba ako. i think i’m back to 110 lbs. or 108. i dunno. basta nafifeel ko ng nag-gain ako ng weight ulet. ugh. kelangan na ulit ang tulong ni shaun t. at ng after six. yikes.pano na ang pangarap kong beach body. asa.  i hayrett. ang arte arte ko.hahahaha.