malulungkot ako pag umuwi na sa probinsya ang mga kapamilya ko. eto isang dahilan baket bumabaligtad mundo ko pag andito sila sa syudad. lesson of the story: wala.
tita ko: beynte tres ka na di ka pa nagkakaboypren?
ako: beynte dos lang ako. sa july pa ko magbebeynte tres.
nanay ko: anak, eto 500. bili ka ng boypren.
nyahahahaha. muntik na ko tumambling. ma naman, ayoko ng call boy for a boyfriend please. on second thought, pwede bang bilhin si derek ramsay ng 500 petot?
hindi pa natapos ang usapang boypren sa mga ganung dialogue. nagseryoso rin naman sila. may mga pangaral tungkol sa pagboboypren and stuff. ang nanay ko, naglitanya na ng mga naging boylet nya. yikes, i don’t need to hear that mom (ang arte ?). pero kahit tumatawa-tawa lang ako, alam kong tama lahat ng point nila. basta ang bottomline, careful lang. okey maglaro magmahal basta ingat lang.
OMG?!!!! weyt a minute kapeng mainit! teka teka! tama ba ang narinig ko? may permiso na ba akong magboypren!?! after 10 years!!! is dis por real or wat? ay, ang saya! magpapainom ako! nyaha!
naalala ko tuloy ang usapan namin ng nanay ko nung isang araw.
nanay ko: may boypren ka na?
ako: wala!!!!
nanay ko: wag muna. pag mga 42 ka na, pwede ka nang magboypren. pag mga 50 ka na, magpakasal na kayo.
ako: bwakanangshet! *hulog sa upuan*
anak ng tinapa! ayos talaga ‘tong pamilya ko.
may isa pa palang pamatay na dialogue. nung isang gabi naman ‘to.
ako: naawa naman ako kay ********. nagdadrama. mahal daw nya ko. e ano namang gagawin ko.
lola ko: hayaan mo sya. karapatan nya yun.
yun ang pamatay na sagot! panalo talaga ‘tong si lola. ayos.
eto pa isa.
tita ko: dapat pag mga 28 ka na, mag-asawa ka na.
ako: yun din ang ideal marrying age ko. pero maghahanap muna ko ng boypren ha.
nanay ko: ano ano? mag-aasawa ka na?
tatay ko: sa may 28 daw mag-aasawa na sya.
ROTFL. hahahahahaha.

mga pumansin