guy in purple
22 06 2008nagpost ako ng i need alcohol, a man, and a massage * na shoutout sa friendster ko at nag-alala ang kaibigan ko na pag may estranghero na naligaw sa friendster ko , he/she would think i’m a good girl gone wild, something to that effect.
pero kasi, totoo naman ang mga pangangailangan na yan e. jaded at lost at detached sa mundo ang pakiramdam ko these days, at yan ang eksaktong mga kelangan ko sa buhay. hahaha.
nung friday night, natupad na yung una. ayos lang kahit bangenge ako kinabukasan, ang mahalaga kahit paano natulungan ko ang isang kaibigan na walang ibang masasandalan ngayon kundi ako. kung mas may kakayahan lang akong alisin sya sa hirap na kinalalagyan nya ngayon, ginawa ko na. hala, sige. walang malaking problema sa vodka cruiser at san mig light at redhorse at yosi. patay tayo nyan.
random thought: masaya ang social life kaya lang….mas masaya sana kung may kasabay na bonggang-bonggang lablayp di ba?
###
alam nyo ba yung storya sa likod ng kantang again ni lenny kravitz? ako alam ko, at nangyari ata sa ’kin yan kahapon. hayyyys. dahil hindi ko naman kayang gumawa ng kanta na tulad ni len (nickname basis kame?), mananawagan na lang ako. sa lalaking mukhang basketbolista na nagbabasa ng readings sa coffee bean trinoma kahapon: feeling ko ikaw na ang matagal kong hinihintay. sana lang di ka masyadong torpe di ba? puteeeek, sayang! pordat, inassume kong type mo ako. ^__^ walang pakialamanan. babae lang. kinikilig din. tatlong kilometro ito. nyahahaha. isang malaking sayang lang talaga! huwaw, anong kalandian ito?
###
nagmature na pala kami, ngayon lang namin nararamdaman. masarap kasabay ang pinakamatalik mong kaibigan sa pag-grow mo bilang tao. hindi lahat ng pagkakataon, kaya mong maging masaya pero masarap na may karamay ka pag kelangan mong maging mahina at may kamay na aakay sa ‘yo pag handa ka na uli maging malakas.
“oh my god, georgina.”
Comments : 3 Comments »
Tags : alcohol, beer, bestfriend, coffee bean, friday, get smart, grey's anatomy, steve carell
Categories : adbentyurs




mga pumansin