sabado mo, sabado ko
18 05 2008dahil nakarating sa amin ang balitang open na raw ang walter mart sa may munoz (oo malapit sa munoz bahay namin, mga 431 steps lang), sugod naman kame ng nanay at tita ko para makahingi ng freebies makiusyoso kung maganda nga ang bagong establisimyentong ito.
in fairnes, maganda naman. malaki at maaliwalas. makintab ang tiles. amoy bago pa. syempre ang una kong hinanap ay ang mga kainan at yahooooo!, may tokyo tokyo at mongolian quick stop. solb na ko!marami pang mga nakasarang stalls.yung isang japanese store at appliance at furniture stall lang ang inavail namin. nakita ko pa yung isang ka-college ko, di naman kame close kaya di na kame nagbeso-beso.chos.
okey na sana, kaya lang afraid! medyo scary yung ibang tao. feeling namin e kelangan maging alive-alert-enthusiastic kase baka pagtingin namin, wala na pamasahe namin pauwi. gets? haha. yun lang. no offense, obserbasyon lang. hindi naman lahat. yung iba lang. at yung isang lalaki na nakatabi ko sa upuan e maduduling na yata sa kakatingin sa legs shorts ko. eto tuloy nanay ko, protective mode. “ah, kuya gusto nyo hiramin? mukhang ngayon lang kayo nakakita nyan ah.” tsk. tsk.
ayan, walang kakwenta-kwenta ang walter mart experience ko. kinwento ko lang. kasi naman, habang nagpapakasaya sa alon ng zambales ang mga kaibigan ko e ayun, andun ako sa walter mart. taena, sabado mo kumpara sa sabado ko! surfing vs waltermart. asan ang hustisya! ;) for the meantime, nag-aabang lang ng updates sa karir ng isang tao dyan at naiinip na ko. ikaw na ang may kalandiang demigod. kung ako yun, baka manahimik din ako. yun na. ang saya-saya naman ng summer na ‘to! nyahahaha. ![]()
nyahaha. crazy surfing in zambales. imagine signal no. 3 ang bagyo at nandun kami. by the beach. buong friday at saturday takbo kami ng takbo at natutuyo lang kami kapag matutulog na. sobrang lamig ng hangin, sobrang lakas ng hangin.
ben broke his board. sob! haha! e pano ang laki ng mga alon.
i tried magic left. choppy kasi ang alon sa crystal. my mga decent rides ako dun. yey. kaya complete na rin ang surf trip. kelangan ko lang nga magpractice mgpaddle. at ang dami kong wingman na pundaquit locals. happy talaga. balik tayo ng pundaquit.=)