buhay bata
12 05 2008
aliw na aliw ako sa mga tsikiting sa bahay ngayon. bihira lang kasi mapuno ng malakas na halakhakan ang apartment na ‘to, except pag andito ang barkada sa bahay. nakakatuwa lang sila panuorin at pakinggan. ang sarap nga naman maging bata. walang pakialam. walang problema. problema na sa kanilang hindi mapahiram ng laruan o makapaglaro sa labas pag umuulan. ang sarap namang problema nun.
naalala ko tuloy, hindi ako ganun nung bata ako. iba ang sitwasyon ng buhay nun. i had to grow up fast. may mga bagay na kinelangan kong intindihin kahit hindi pa gaanong maabot ng utak ko. may mga pagkukulang ang ibang tao na kelangan kong punan sa sarili ko. tapos nagkaron agad ng responsibilidad.naging bedridden at temperamental si lolo, i felt like i needed to protect the people i love kasi sa ‘kin lang sya nakikinig. nerd pa ko. masayang masaya na ko pag nakakapagbasa at nakakapag-aral ako. maraming bagay palang dahilan at kahit alin dun, wala akong sinisisi.lumaki naman akong maganda, este matino.may laman ang utak kahit paano.
yun nga lang pag tinanong mo ko ng ilang bagay, malamang ang sagot ko sa ‘yo ay hindi. marunong ka magbike? hindi. marunong ka lumangoy? hindi. marunong ka gumawa ng bangkang papel o bangkang eroplano? hindi.marunong kang umakyat ng puno? hindi.
pero marunong ako mag-asikaso ng may sakit. hindi ako takot sa dilim. hindi ako takot mag-isa. hindi ako nahihilo sa byahe.natuto akong magbenta ng sampalok nung grade 3 ako.umakyat ako sa stage nung nag-top ako nung kinder kahit walang kasamang magulang. first honor ako mula grade 1 hanggang grade 6.hindi ako nagtanong o naghanap ng mga taong ayaw namang maging bahagi ng buhay ko.
hindi naman siguro ibig sabihin na hindi ako nakapaglaro ng masaya e hindi ako naging buo. iba-ibang lebel lang siguro. marami lang din siguro akong namiss na childhood moments pero i think i made the most of what i had to deal with at that time. maybe we can’t really have it all (ate shawie, hindi totoo ang komersyal mo).
kaya nagtataka kayo kung bakit isip-bata ako ngayon?
kasi naman, hindi pa siguro huli humalakhak at maglaro na parang bata di ba, kahit paminsan-minsan lang. ang mahalaga, masaya ka. yun.=)

awww. sweety, such a poignant post.
life is treating you well lately. everything will eventually fall into place. have faith. trust destiny. ^___^
thanks thanks! =)
“hindi pa siguro huli humalakhak at maglaro na parang bata di ba, kahit paminsan-minsan lang. ang mahalaga, masaya ka. yun” - this is my favorite line….
gumaganda mga post mo lately…sipagan mo lang lagi mag post..next year inonominate kita sa philippine weblog awards (personal category)…hahaha
hahaha. blogging career ba ito? sus, kakahiya naman. hahahaha. salamat!
Cute naman ng pikx na yan..
salamat!