mothers
11 05 2008last year may pera ako at gusto ko kayong itreat sa spa, ayaw nyo naman.
kaya ngayong broke ako, magtiis na lang kayo sa kiss ko. hahaha.
sa dalawa kong nanay, kung techie kayo at mababasa nyo ang blog ko, happy mother’s day! mahal ko kayo!
salamat sa lahat ng hirap at pag-alaga. hindi madaling punan ang nawalang hindi na nagparamdam pero nabuhay akong hindi sya hinahanap. salamat at ginawa nyo ang lahat para hindi ko maalalang may kulang sa buhay ko.
at sa lahat ng mga nanay….lalo na ang mga single moms na umaako sa responsibilidad ng mga iresponsableng lalake o biktima ng mga pagkakamaling hindi naiwasan.
happy mother’s day! ^_^
###
i’m not the easiest person to love…yet you choose to be on the side of me. - corinne may
mga pumansin