‘kakatuwa naman

29 05 2008

napangiti naman ako ng makita kong pinost sa kanilang blog ang huling artikulong sinulat ko para sa organisasyon. salamat po! akalain mong kaya ko palang magpakaseryoso minsan. :)

nahiya naman ako bigla kasi i was never confident with my seryosong writing skills dahil mas kampante ako sa mga kalolokohan type of writing (???). haha. obvious ba sa mga post ko? yun ang dahilan kung bakit sa ilang artikulong naisulat ko na napublish sa dyaryo (hindi tiktik ha, at oo, nagyayabang ako ng lagay na ‘to), hindi ko nilagay ang pangalan ko. yun lang. it’s always a good thing to see your work get published lalo na kung hindi ka naman talaga writer. =)

eksayted na pala ko sa sex and the city mamaya! :) :) :)





oh, crap

28 05 2008

pero baket kelangan maging ganito?

@*&$*&@*&$#@$(_)@($)@$*#@&!^#!&@!(#)(@^#@^$#($)(_(@^#^&@^&$^@$_(_)()#!%@$#!$@#$#@@#%@#$@%^$#@%^#$%^@#$%@^$#@%)*&^&@^$&@^#@*&#%@^%#@%$#%$#@$#@^$@&!!!!!!!!!!

tang*na lang talaga.

shit happens.

taena.





whattaweekend

27 05 2008

dahil may social life ako nung weekend pero hindi ko blinog ng maayos bilang masyadong magulo ang mga pangyayari. dalawang gabi akong umuwi ng madaling araw (huh, labo) at putek, ang init ng ulo ko the next day. baket, e puyat ako. at sinisipon. so magkikwento ako ng konti. eto na ang detailed but censored version.  :)

Read the rest of this entry »





songs and nostalgia

27 05 2008

i was looking at my cd collection and i realized that i haven’t played most of them in a long time. i took out a blue cd and put it on my cd player. i didn’t even know what cd it was until i heard the first song. ocean avenue by yellowcard. i immediately recognized it. first job - around september 2005. an officemate burned that cd for me. i listened to the other songs. sugar we’re goin’ down by fall out boy, slide by goo goo dolls, bakit by mayonnaise, jeepney by spongecola…etc. i suddenly remembered that time - when i thought yael yuzon was hot (hindi na ngayon, kei?) and my job really really sucked.

yes, i’m that person. i tend to remember a certain period in my life when i hear a certain song. eto pa yung iba.

beatles songs - childhood days…bonding with lolo, waking up to a hard day’s night and a long and winding road..

prinsesa, esem, alanis morisette, eraserheads - grade school days…life took a drastic turn when one day i just realized i have a brand new family to get used to and i didn’t have a clue how to deal with it.

3 a.m., semi-charmed life, so little time - when everyone in high school was going gaga over boybands and i felt like a complete weirdo for loving these songs/bands

all i have to give, drive myself crazy, invisible man, mmbop, baby one more time - because i was high school girl after all and i had crushes and so called heartbreaks, and because nothing felt better than dancing to these songs with my bestfriend…

the way i am - because i was a rebel and had lots of issues with my family…it felt good to be angry and listening to eminem made me feel like someone understood me (i know, it was a dark period ^_^ ) 

torete, damn, here in my heart, human, i need you, hanging by a moment - summer before my freshman year in college. just moved to the city feeling alone and scared. yesterday i was a probinsyana, the family’s princess living a sheltered life and all of a sudden i had to get used to this new world.

real, stranded, temporary madness, boy’s don’t cry, where’s the love - applying at my college org. doing strange things i haven’t done before, building friendships, pushing myself to the limits and conquering my biggest fears..

she will be loved, come on, you and i both, vindicated, breathing, white houses - when being a UP student was the best damn thing in the world…

halaga, tsinelas, daliri - UP fair nights…need i say more?

over my head, breathe, pilit, ikaw lamang, pag-agos, oo - when i was miserable where i was at and music, grey’s anatomy, and prison break were my escape…

sugar we’r goin down, hum hallelujah, thriller, me and you, she will be loved, won’t go home without you, sunday morning - having the time of my life while screaming with thousands of people at the araneta coliseum..

always be my baby, migraine, take a bow, white houses, cannonball - the epic summer of ‘08. when it felt like i was a grown up for the first time…when being complicated wasn’t a bad thing after all…when living in the moment was the best feeling in the world. but then 3 of these songs pretty much depicted how it ended so….ayun, self-explanatory if you’re familiar with these songs. hehe. ^___^

there’s more but that would be too much information. ;) ikaw, anong mga kanta mo?  :)





dahil umuulan

26 05 2008

dahil ang buhay ay walang katapusang paghihintay. at wala akong karapatang mapagod.

###

dahil alam ko na pala ang hinahanap ko. hindi ko mapaliwanag pero naintindihan ng utak ko. basta.





he had me at astro cigarette

26 05 2008

i have a feeling na matatawa na lang sa ‘ken ang mga kapwa isko/iska na makakabasa nito lalo na yung mga film students (tama ba yoshke?)…so ayos lang. natatawa rin ako sa sarili ko.

kras ko si ramon bautista. at inadd na nya ko sa multiply. and pordat, kinilig ako. weeee. nyahahaha. :)

dati, nakita namin sya ng friend ko habang naglalakad kame sa eastwood. nastuck ako sa pwesto ko at wala kong nasabi kundi “shet, si ramon bautista. shet, si ramon bautista.” don’t worry ser ramon, di naman ako stalker. masaya na kong inadd mo ko. at astig sobra ng mga photos na kuha mo.

yun lang. it’s a lotta fun. masyado na kayong maraming alam sa ‘ken. nyahahahaha.   ;)





5.24.08 the world as we know it

26 05 2008

the GENERAL version:

i promised someone that i would write something about what happened last weekend. i’m in front of my laptop in my usual type-delete-type-delete mode and for the first time, i’m speechless. i know my writing won’t give it justice but i can try. because i love you  and i’m happy that you’re happy. or that you were happy at one point. because for the first time i can look at you and actually see the real you.

here’s the thing. it’s a lot to take. definitely more overwhelming than i thought it would be. it’s like having a bomb explode in my face. or realizing that the things i believe in are not really what they seem to be. imagine being so shocked that i literally almost fell off my chair. then multiply it by 10. or 20.

it’s a good thing though. i wanted this to happen. though nothing, and i mean NOTHING could have prepared me for the details. but i can take it.  i’m a big girl now. we’re grown ups and it’s a good thing to realize that. we can talk about grown up stuff and not be scared of being judged because…well, we don’t owe anybody an explanation for who or what we choose to be. and because there are people who can actually understand…love…accept.

more than anything, i couldn’t be happier for you. some days you may hate yourself or feel disappointed for not having the normal things you should have. and i feel bad about that. but i think the world is kind enough to compensate for what is lacking in our lives and maybe, just maybe, you can have the things you’ve always wanted… and so much more. because i’d like to think that we deserve it. we all do.

a certain aspect of who we are isn’t the most interesting fact about us. remember that. as for me, well…i’m still trying to erase some mental images in my head. nyahaha. i suddenly  have an anniversary with 2 people and we’re not even in a relationship. damn it. :)

 





winning isn’t everything

23 05 2008

sabi ni paula abdul kagabi, winning isn’t everything. it’s in losing that we….ayan, nakalimutan ko na yung sinabi nya.basta napaisip ako. akalain mong napaisip ako ni paula abdul. something is wrong with me.

ilang beses na ba tayong natalo? sa contest. laro. honor. lablayp. pustahan. promotion. ang point, hindi pa kumpleto ang buhay mo kung di ka pa natatalo kahit isang beses. kung lagi kang panalo, wala ng thrill. mediocre na lang lahat ng achievement.

nakwento ko na dati na may pagka-nerd ako nung bata (delingkwente na ko pagdating ng college).pinakamalaking isyu na sa buhay ko ang maging valedictorian. pakiramdam ko noon, ‘yun ang purpose ko sa buhay. dun lang ako magaling. aral ng todo. sakripisyo. at maraming luha, puyat, pagod. ang sa ‘kin kasi, talo man o panalo, basta binigay ko lahat ng kaya kong ibigay, masaya na ko. kaso natalo ako. hindi pala masaya. masakit isiping nabigo ako sa tanging bagay na alam kong gawin. pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko. sino ako kung hindi ko nakuha yung titulong pinagtrabahuhan ko? ano ang tawag sa kin, talunan?

natapos ang hayskul. tuntong sa kolehiyo. sa unang pagkakataon, biglang lumawak ang mundo ko. akala ko nun pamilya at eskwelahan lang ang buhay. unti-unti kong nakita ang iba’t ibang mukha ng problema. ng mga isyu. ng mga tao. marami palang naghihirap. marami palang hindi pa nararanasan kung anong pakiramdam ng manalo dahil abala silang gumawa ng paraan para lang mabuhay.

pitong taon na ang nakalipas mula nung nabigo akong maging valedictorian. oo, natanggap ko na ang pagkatalo ko. biktima man ako ng pulitika o kung ano pa mang dahilan, ang bottomline, talo ako. at kelangan kong tanggapin yun. dahil may mga bagay na mas malaki at mas mahalaga sa pagkatalo. dahil hindi ko siguro mapapahalagahan yung mas malalaking achievement* na nakuha ko kung hindi ko muna naranasang mabigo.

ito ay para sa bawat  estudyanteng napipressure sa expectations ng kanilang pamilya o ng kanilang sarili o sa kahit sinong makakarelate….may buhay pa pagkatapos ng pagiging estudyante. may mas malawak na mundo paglabas ng eskwelahan. dito, ikaw ang bahala. walang guro. walang grades. sarili mong desisyon. sarili mong diskarte. talo man o panalo, hindi ka pwedeng mag-drop. tuloy lang. laban lang.

ang sumuko, panget. :)

Read the rest of this entry »





the rocker finally wins

22 05 2008

5:30 p.m.

dahil maarte ako, tinext ko agad yung kaibigan ko kanina.

ako: oy, wag mo itext sa ‘ken kung sino nanalo sa american idol ha. gusto ko masurprise mamayang gabi pag nanuod ako. (baket, e gusto ko yung feeling na kinakabahan ako e.)

n: panalo si david! nyahahaha.

ako: gagu. malamang.

e di news black out muna. ayoko manuod ng tv o makinig sa usapan sa labas. ayos to, exciting ang panunuod mamaya. pagkalipas ng ilang minuto, may dalawang nagtext sa ken.magkasunod pa.

mj: panalo si david cook! panalo tayo!

jv: woooh! panalo si david cook!

amppffft. so much for the suspense. hahaha. ang arte ko kasi. hindi ko pa napapanuod kaya mamaya na ko magrerejoice okey?!! for the meantime, papakasaya muna kong tignan ang piktyur ng isang kahanga-hangang nilalang (salamat sa kaibigan kong nag-email sa kin). susko, nakakapanghina ang six-pack. anong kalandian ito? hahaha. ;)

Read the rest of this entry »





spotted.

20 05 2008

watching gossip girl and i just have to post this.  source of kilig factor. :)

real life couple indeed. at kinikilig ako. teenager ito?!!

i just hope they don’t go the chad-sophia/lucas-brooke way. i can’t afford to see dan and serena break up. wag please!

gossip girl is love.  ^___^





full time blogger, part time lover

20 05 2008

CHOS! hahahahahahaha.  :)  wish ko lang. gusto ko lang ng title na magrarhyme. at syempre yung pinakamalandi ang pumasok sa isip ko. kumusta naman.

natutuwa lang ako na sa maigsing panahon ko dito sa wordpress ay may ilang tao na nakatukoy sa munti kong blog (bukod sa dalawang kaibigan kong suki sa comments at in fairnes ay nagbabasa ng entries ko kahit walang bayad, nyaha!) . 551 hits and counting as of this moment. alam kong tuldok lang yan kumpara sa hits ng mga idolo kong bloggers tulad ng mga naka-link sa gilid ng page ko, pero masaya na kong malaman na may nagtyatyaga sa mga kalokohan at kaartehan ko sa buhay.masayang makitang sinama ka na sa blogroll ng mga malulupet at idolong bloggers. at higit sa lahat, panalo ang makipagkulitan/palitan ng comments sa mga bagong kaibigan sa blogville.

sa ‘yo na nagbabasa nito at sa mga bagong kakulitan, ala ka siguro magawa sa buhay no?  este salamat! salamat sa pagbisita. salamat din kung plano mong mag-iwan ng masasayang comments. exchange links na rin para super friends na tayo. masarap makitang tumataas ang linya sa graph ng blog stats, da ba?

spread the love!

Read the rest of this entry »





proof that tony stark has a heart

20 05 2008

the cast. the funny lines. the special effects. the genius that is robert downey, jr.

IRON MAN stole my heart. :)

 robert downey, jr. is love love love.

###

 

maiba ng pulong…..

masakit pala tubuan ng wisdom tooth.

hindi nakakatuwa.

pordat, matanda na pala ko. ang korni.

 





ain’t no laguna beach…

19 05 2008

…and yet there’s so much boy drama.

let me quote my friend on this. “fun while it lasted…enough now.”

for me, summer is over.

officially.

here comes the rain.

oh, and for the record, i do think i deserve some kind of a fairytale. not this.

haller?!!! ganda kong ‘to.

 

###

 

SAD SONGS FOR DIRTY LOVERS

emo text-textan mode kanina.

j: c, i’m sad. biglaan talaga.

c: break muna tayo sa pagiging happy okey? ok lang magbreak once in a while.

j: di ba dapat mas ngayon naten kelangan yun?

c: kase, naniniwala akong it’s ok to feel. d world shudnt be too perfect.bsta kelangan wag tignan in a negative way.wag magalit.just feel d pain.den move on.happy na ulet.

j: winner! i like that attitude!

….

oo, kahit sa text, pwede ako magpaka-emo. ampanget. lubusin na natin.

Read the rest of this entry »





Protected: migraine

18 05 2008

This post is password protected. To view it please enter your password below:






things you leave behind

18 05 2008

may katext ako kagabi. gusto ko lang tapusin ang isang bagay kahit wala namang nasimulan.  pero hindi ko alam kung natuldukan na nga. sa huli kasi, ako lang ang napagod. ako lang ang nadrain.

isang lumang tao na gustong maging bago ulit. dati akala ko sya ang kelangan ko, hindi pala. kumapit lang ako sa ideyang andyan sya kasi wala namang iba. pero hindi pala ibig sabihin na pag mahal ka e mahal mo na rin. kahit gustuhin mo. kahit pilitin mo. kasi kung tutuusin, ok na sana ‘to. safe choice. hindi ka paghihintayin. hindi ka papaasahin. ito yung tipong di ka sasaktan. mamahalin ka ng todo. igagalang.

pero hindi na nya ako kilala. at ako, sapat na yung pagkakilala ko dati sa kanya. ayoko na syang makilala ulit. maraming taon na ang nakalipas. wag na tayong mabuhay sa nakaraan.  ibang tao na ako.  at sa tingin ko, wala syang karapatang sisihin ako sa kung sino ako ngayon. wala akong obligasyong magpaliwanag sa kahit kanino kung ano man ako ngayon.

sa ‘yo (kahit alam kong hindi mo naman ‘to mababasa), hindi ko pipiliting mag-move on ka na kasi sabi nga ng lola ko, karapatan mo yan. wala akong karapatang utusan ka sa dapat maramdaman. at siguro insensitive ako kasi hindi ko pa alam ang pakiramdam na umasa sa wala. baka ngayon pa lang. wala ako sa posisyon para magsalita. ang akin lang, gusto kong maging masaya ka. nagbago na nga ako pero hindi ako masamang tao. wala na lang talaga akong nararamdaman.  :(

Read the rest of this entry »





sabado mo, sabado ko

18 05 2008

dahil nakarating sa amin ang balitang open na raw ang walter mart sa may munoz (oo malapit sa munoz bahay namin, mga 431 steps lang), sugod naman kame ng nanay at tita ko para makahingi ng freebies   makiusyoso kung maganda nga ang bagong establisimyentong ito.

in fairnes, maganda naman. malaki at maaliwalas. makintab ang tiles. amoy bago pa. syempre ang una kong hinanap ay ang mga kainan at yahooooo!, may tokyo tokyo at mongolian quick stop. solb na ko!marami pang mga nakasarang stalls.yung isang japanese store at appliance at furniture stall lang ang inavail namin. nakita ko pa yung isang ka-college ko, di naman kame close kaya di na kame nagbeso-beso.chos.

okey na sana, kaya lang afraid! medyo scary yung ibang tao. feeling namin e kelangan maging alive-alert-enthusiastic kase baka pagtingin namin, wala na pamasahe namin pauwi. gets? haha. yun lang. no offense, obserbasyon lang. hindi naman lahat. yung iba lang. at yung isang lalaki na nakatabi ko sa upuan e maduduling na yata sa kakatingin sa legs shorts ko. eto tuloy nanay ko, protective mode. “ah, kuya gusto nyo hiramin? mukhang ngayon lang kayo nakakita nyan ah.” tsk. tsk.

ayan, walang kakwenta-kwenta ang walter mart experience ko. kinwento ko lang. kasi naman, habang nagpapakasaya sa alon ng zambales ang mga kaibigan ko e ayun, andun ako sa walter mart. taena, sabado mo kumpara sa sabado ko! surfing vs waltermart. asan ang hustisya! ;) for the meantime,  nag-aabang lang ng updates sa karir ng isang tao dyan at naiinip na ko. ikaw na ang may kalandiang demigod. kung ako yun, baka manahimik din ako. yun na. ang saya-saya naman ng summer na ‘to! nyahahaha. :)





usapang boypren

16 05 2008

malulungkot ako pag umuwi na sa probinsya ang mga kapamilya ko. eto isang dahilan baket bumabaligtad mundo ko pag andito sila sa syudad. lesson of the story: wala. :)

tita ko: beynte tres ka na di ka pa nagkakaboypren?

ako: beynte dos lang ako. sa july pa ko magbebeynte tres.

nanay ko: anak, eto 500. bili ka ng boypren.

nyahahahaha. muntik na ko tumambling. ma naman, ayoko ng call boy for a boyfriend please. on second thought, pwede bang bilhin si derek ramsay ng 500 petot? ;)

hindi pa natapos ang usapang boypren sa mga ganung dialogue. nagseryoso rin naman sila. may mga pangaral tungkol sa pagboboypren and stuff. ang nanay ko, naglitanya na ng mga naging boylet nya. yikes, i don’t need to hear that mom (ang arte ?). pero kahit tumatawa-tawa lang ako, alam kong tama lahat ng point nila. basta ang bottomline, careful lang. okey maglaro magmahal basta ingat lang.

OMG?!!!! weyt a minute kapeng mainit! teka teka! tama ba ang narinig ko? may permiso na ba akong magboypren!?! after 10 years!!! is dis por real or wat? ay, ang saya! magpapainom ako! nyaha!

naalala ko tuloy ang usapan namin ng nanay ko nung isang araw.

nanay ko: may boypren ka na?

ako: wala!!!!

nanay ko: wag muna. pag mga 42 ka na, pwede ka nang magboypren. pag mga 50 ka na, magpakasal na kayo.

ako: bwakanangshet! *hulog sa upuan*

anak ng tinapa! ayos talaga ‘tong pamilya ko.

may isa pa palang pamatay na dialogue. nung isang gabi naman ‘to.

ako: naawa naman ako kay ********. nagdadrama. mahal daw nya ko. e ano namang gagawin ko.

lola ko: hayaan mo sya. karapatan nya yun.

yun ang pamatay na sagot! panalo talaga ‘tong si lola. ayos.

eto pa isa. 

tita ko: dapat pag mga 28 ka na, mag-asawa ka na.

ako: yun din ang ideal marrying age ko. pero maghahanap muna ko ng boypren ha.

nanay ko: ano ano? mag-aasawa ka na?

tatay ko: sa may 28 daw mag-aasawa na sya.

ROTFL. hahahahahaha.

:) :) :) :) :) :) :)





umbrella

16 05 2008

anong hindi nakakatuwa?

‘yung habang nakasakay ka ng ordinary na bus e biglang uulan ng malakas.so sasarhan ang lahat ng bintana para di pumasok ang ulan at mukha kayong nasa loob ng umaandar na oven toaster sa init. at nanlilimahid na kayo sa pawis.

anong mas hindi nakakatuwa? yung sobrang lakas ng ulan at kelangan mo ng bumaba ng bus. *eto ako, basang-basa sa ulaaaan*  at nakasapatos ka. at baha ang bababaan mo. tapos habang basang sisiw kang nakikisilong sa tapat ng arny and dadings peachy-peachy, nagtext ka sa nanay at tita mo na ipasundo ka kay manang ng payong. pagkalipas ng sampung taon, pumuti na ang buhok mo, wala ka pa ring sundo. hala, sugod na sa ulan at itapak ang sapatos sa baha.at pagpasok mo sa gate ng street nyo, andyan na si manang. may dalang payong. na kulay talong.

ampffft.

baket, e gusto ko mag-inarte ngayon e!

###

wala pa ring konek. pag andito pamilya ko, tumataba ako. i think i’m back to 110 lbs. or 108. i dunno. basta nafifeel ko ng nag-gain ako ng weight ulet. ugh. kelangan na ulit ang tulong ni shaun t. at ng after six. yikes.pano na ang pangarap kong beach body. asa.  i hayrett. ang arte arte ko.hahahaha.