the professional nerd

29 04 2008

i’ve only seen 2 episodes but i’m already hooked. i love the whole alias-meets-the-office feel. the show is quirky, weird, funny, and action-packed. and chuck is the cutest, most adorable geek i know (yes, even cuter than kenneth parcell).

 i heard it has been picked up for a 2nd season. good news for me! another addition to my long list of addictive shows. you gotta love C/S. prison break, heroes, survivor, and now this. nice.





a poor boy’s dream

29 04 2008

<<flashback. june 14, 2001. UP diliman.

unang araw ng klase. unang araw ng buhay kolehiyo.

nakatayo ako sa harap ng klasrum ng unang klase ko.room 108 sa A.S. lumapit sya sa kin at nagtanong kung ano raw block ko. sabi ko, L-7. tumango lang sya at tinignan akong parang nagtataka. sunod kaming nagkita, sa orientation ng block namin sa NCPAG. natawa ako nung nalaman ko kung bakit ganun na lang ang tingin nya sa ‘kin. block L-2 pala kame. dalawa lang naman kase ang block sa ncpag, pano magkaka L-7? kitams, unang araw pa lang may katangahan na ko. pero hindi tungkol sa kin ang entry na ‘to.

dahil maraming bonding moments ang block, hindi nagtagal at naging magkaibigan kami. so wala akong choice.=)  magkasama sa mga lakad, magkaramay sa mga study sessions, at magkagrupo sa mga papers.mas naging magkaibigan ng magkasama sa pinasukang organisasyon.naging magkasama pa sa iisang komite at hindi nagtagal, naging boss ko pa ng maging chairman sya ng memcom.

sa huling dalawang taon sa kolehiyo ko sya mas higit na nakilala.marami na rin kasing pinagdaanan.andyan ang laging pagtambay sa library at STPA tambayan, pagsolb sa mga problema ng komite, kwentuhang showbiz, yung GIS project na sa totoo lang e wala naman akong masyadong kontribusyon, taga-suporta pag kelangan ng lakas ng loob, taga-tawa sa mga katangahan at kalandian, at higit sa lahat kasama sa pagbuo ng mga pangarap.

pangarap nya para sa ‘kin noon ang makatuluyan si prince william. tama, si prince william.  wala din naman ako maisip noon na pangarap para sa sarili ko, kaya sinakyan ko na rin.maganda naman ako e, malay mo. =) di katulad ko, noon pa lang buo na ang pangarap nya. gusto nya maging abugado. gusto nyang pumasa ng LAE at sa UP pa rin ipagpatuloy ang pag-aaral. full support naman ako.  hindi rin kasi naging madali ang lahat.  dumating din ang panahong pinanghinaan sya ng loob at nagduda sa kanyang kakayahan. pero hindi ako papayag na sumuko sya ng hindi lumalaban. ang sa ‘kin kasi, sya ang katuparan ng pangarap ng mga tulad kong nagmula sa probinsya na nagkaroon ng pambihirang oportunidad na makapasa sa UP. sa kabila ng kahirapan at kakulangan sa mga materyal na bagay, talino at tapang lang ang pinanghahawakan. nagsikap. naghirap. nasubok. nagpatuloy.

i needed him to get his happy ending.

>>fast forward. june 2008.

pitong taon mula noong unang araw ng klase na magkakilala kame,muli na naman syang sasabak sa buhay estudyante. ang pinagkaiba lang, UP law student na sya sa hunyo. oo, UP Law.

to the poor boy from laboy…saludo ako sa ‘yo. hindi lang dahil kaibigan kita at mahal kita kundi dahil pinatunayan mong ang mga tulad natin at  iba pang galing sa iba’t ibang sulok ng bansa ay handa sa hamon ng pagiging iskolar ng bayan.

see, dreams do come true ..even for promdis like us.

^_^