<<rewind: kwentuhang surfing
24 04 2008
dahil bago ang blog ko at marami akong free time, gusto ko lang ikwento ng mas masaya ang unang surfing experience ko. mey ganun? last night kase magkausap kami ng friend ko na si emjay na sya ding nag-introduce sa kin sa wonderful world of surfing (whattaphrase?) at naexcite lang ako sa next surf trip! baler, here i come! sure na sure na! masaya itooooo!
akshali, matagal na ko niyaya ni emjay na magsurfing pero di ko sya masyadong sineseryoso.akala ko kasi pang-laguna beach people lang yun.haha.hindi ko naintindihan kung pano nangyari, basta narealize ko na lang na nakasakay na ko sa alon. wait, di naman ganun kabilis. backtrack ng konti.
holy week.matapos ang kumplikadong pagtetextan (natest ang coordinating powers ko) at mga nakakagulat na plano, napagkasunduang kikitain ko si emjay at dalawa pang friends na tatawagin nating j and b (so gossip girl) sa dimsum& dumpling sa gapo terminal.dahil nasa subic na ko keri ko ng makarating dyan. pagdating ko sa d&d, naloka akong di pala alam nila j and b na surfing ang plano namin at pordat, ayaw na nila.haha.pero dahil hindi kame pwedeng magpapigil, diretso na kame sa bus station, mga 7 pm na ‘to at inavail ang unang bus na dumaan kahit nakatayo lang kame.hindi naman masyadong atat nyan.kabado pa kame kase una, wala pang sure na bahay pagdating dun at gudlak na lang kasi gabi na at pangalawa, di namin makita kung lumampas na kame.sa awa ng dyos, nakarating din sa crystal sa san narciso, zambales.wala na daw matutuluyan, tent na lang.pwede sa kin yun, adventure ito! kaya lang mukhang di ok sa mga boys.baligtad?buti na lang to the rescue si ser bobot at nahanapan nya kame ng bahay for 500 bucks lang.ayos, maraming makukupit sa binigay na allowance.=) bargain, iavail na! around 11 p.m., tambay tambay lang sa beach. hay, sarap mabuhay! emo mode.
kinabukasan, maaga pa lang sinundo na kame ni sir bobot.hindi pa rin pala tapos magplead ng case sina j and b.pwede daw bang swimming na lang? mag-eenjoy din naman daw sila. naloka ako sa bigat at laki ng board.motherpackingsheeeet, ano ba tong pinasok ko? sa surfing lesson, bigla akong kinabahan. feeling ko di ko sya kaya. mahina lang ako! but no, kelangan kayaning tumayo sa board. kelangan ng bragging rights. =)
after a few minutes of training, direcho sa dagat. disisit. hintay hintay ng alon. first attempt - parang nilamon ako ng tubig. wala akong naramdaman kundi tubig na pumapasok sa bibig ko habang hinihila ako ng leash. tayo.hulog.sigaw.lubog. ganyan lang ako for more than 30 minutes. sa 3rd attempt ni b, nakatayo na sya.dahil competitive, lalo na ko nainspire na makatayo. after lots of wipe out moments, nakalipad este nakaride na ko. ilang seconds lang at nilamon na rin ako ng tubig. pero dahil naexperience ko nang makatayo, di ko na tinigilan. after a couple more short rides, long ride na itooooo!
sabi ko nga dati, nothing really beats the adrenalin rush of that first long ride. it starts with looking over your shoulder and realizing you have your wave coming, then paddling as hard as you could…you feel the wave pushing under as you struggle to stand up and balance…and the next thing you know, you’re screaming like crazy with your arms outstretched feeling like a superhero or something. or maybe that’s just me.OA lang talaga ako maging masaya. props pala kay ser bobot kase kung di dahil sa pep talk nya, di talaga ako makakatayo. bukod sa pagsakay, enjoy din ang pag paddle lang at pagsakay sa board.kahit panunuod sa hot guys panalo na. haha. may quotable quote pala si j. “naoutnumber ng mga not so hot ang hot guys.” so harsh, so harsh. everything about surfing really spells fun.kahit yung pagbitbit lang kay serena (yesss…ang sosyal ng pangalan ng board ko), may angas factor na. or again, maybe it’s just me.mayabang lang talaga ako. =)
after the morning session, tambay lang muna sa cottage. kahit gano pilitin palitan ang topic, maya’t maya bumabalik pa rin sa surfing.paulit-ulit e magkakasama lang din naman naming naexperience yun. yun pala yung tinatawag na stoked.yey, new word. marami pa kaming pinag-aralan s surfing vocabulary, para makarelate kame just in case may meet na pro-surfers. feeling? after lunch, tambay lang ulit. si emjay, inavail ang libreng gamit ng board at walang pagod na naglaro.nagpay-off naman at natuto na syang tumayo on her own.nainggit tuloy ako at pordat, goal ko na talagang makapaglaro mag-isa. kakaririn ko ‘to! bago umuwi, humirit pa ng huling swimming. ang saya saya lang ng trip na ‘to. unexpected but definitely worth it.
surfing is love!
ang bitin na naman ng ending. di ko alam kung pano tatapusan ang entry kaya eto bigla na lang mawawala. =)

mga pumansin