23 and 2 days old
20 07 2008more birthday thoughts. ewan ko kung bakit bibong-bibo ang heart ko ng araw na yun e wala naman akong ginawang special. walang party, walang inuman, whatsoever. bakit sobrang naamaze ako sa fact na happy ako? kasi never pa ko naging masaya sa birthday. lagi akong depressed sa araw na yan, dun ko nararamdaman ng big time ang mga kulang sa buhay ko, etc. same with new year. ang ironic lang ng dating sa ‘kin pag binabati ako ng happy new year o happy birthday kasi ang totoo, hindi naman ako happy.
pero this time, seryosong masaya ako. sabi ko nga, wala namang espesyal. greeting ng mga kaibigan at kamag-anak, konting kainan sa office (courtesy of my bosses kaya wala akong ginastos, yey!), dined out with a friend, some alone time, and then the day’s over. peaceful siguro yung tamang term. yung pakiramdam na kahit may mga kulang pa, marami ka pang bagay na hinahanap o gustong makuha, o may mga konting problema, nahanap ko na yung tamang balanse. siguro nga nasa maayos na disposisyon na ang aking magulong utak. kahit may mga post dito na nagpapaka-emo ako, generally, masaya na ko. gone are the super dramatic emo days kahit wala namang valid at seryosong dahilan. parang distant memory na lang sya. hindi lang talaga maiwasang maupset paminsan-minsan kasi hindi naman perpekto ang mundo, we all have our own crosses to bear, responsibilities to fulfill, people to deal with, goals to strive for. most of the time, i feel that i don’t know what i’m doing and yet i seem to somehow find my way out through all the confusion. dahil lab ako ni papa jesus kahit lukaret ako. at yung mga kulang at mga pain na nagpapalungkot sa ‘kin before, pinapag-aralan ko syang ichannel into something positive. sheeeet, ang seryoso. hindi na naman bagay sa ‘kin. gusto ko lang maalala na at 23, unti-unti ko ng nahahanap yung peace na kailangan ko.
before i turn 24, gusto ko sana makapagtravel na abroad (kahit vacations lang sa asia), makapagsagada o kaya yung ibang dream destinations ko sa ‘pinas, matagpuan yung fulfillment na hinahanap ko sa career, at syempre lumablayp ng seryosohan (pwede ring laru-laro lang pero syempre mas masaya yung seryosong nagmamahalan kayo and all that cheesiness di ba?). may isang taon pa ko. tira-tira!
###
bilang birthday gift pala sa sarili, nagparebond ako kahapon. wehehe. sa isang araw ko na ipopost ang aking new (and shorter) do. kumustang mga 5-6 hours ‘ata ako sa salon kahapon. naaliw lang ako kasi korean salon yung pinuntahan ko, toney and jackey sa may tomas morato. sosyal ang place, maluwag at hindi cluttered. nakakapanibago, ang tahimik. parang may multa pag nagsalita. namiss ko tuloy yung mga bading dun sa salon sa ‘min, bago ako matapos e nalaman ko na ang buhay nila, mga naging boypren, sinong may utang sa kanila, etc. korean yung mga stylists pero pinoy naman yung mga staff. dahil koreana yung stylist ko (btw, mabait at sobrang sipag nya), napalaban ako ng englishan. ang weird lang, marunong naman akong mag-english pero bakit nung nag-usap kami, parang ako yung naging barok. wala ata akong nasabing buong sentence kundi yes yes, no no, ok ok. nyahaha. ![]()
Comments : No Comments »
Tags : birthday, korean, peace, rebonding, salon, toney and jackey
Categories : in my head, kwento-kwento







mga pumansin